Romeo nanguna sa 1st round
MANILA, Philippines - Selyado ni Terrence Romeo ng FEU ang pagiging pinakamahusay na manlalaro sa first round ng UAAP nang pangunahan ang karera para sa Most Valuable Player award.
Matapos ang 7-laro, si Romeo ay kumubra na ng kabuuang 79 total statistical points (TSP) para unahan si Bobby Ray Parks ng National University na may 76.14 TSP.
Si Parks ang una sa statistical points sa 473 laban sa 448 ni Romeo pero bumawi ang huli sa bonus points sa 105 mula sa 7-0 baraha ng Tamaraws.
May 60 bonus points si Parks mula sa 4-3 baraha.
Ang 6’8†center ng UE na si Charles Mammie ang nasa ikatlong puwesto sa 74.83 pero hindi na siya puwede sa MVP race dahil nasuspindi siya ng isang laro matapos sipain si Roider Cabrera ng Adamson.
Si Emmanuel Mbe ng NU ang nasa ikaapat na puwesto sa 67.28 puntos bago si Roi Sumang ng UE ang kukumpleto sa unang limang puwesto sa 66.14 puntos.
Lalabas na si Romeo ang number one scorer ng liga sa kanyang 22.6 puntos bago sumunod si Sumang sa 19 puntos at Parks na may 18.9 puntos.
Si Mammie ang bumabandera sa rebonding sa kanyang 17.8 rebound kasunod ni Mbe sa 11.9 at Raul Soyud ng UP sa 10.8 board habang si Joshua Alolino at Parks ng NU ang 1-2 sa assists sa 4.9 at 4.4 averages. Si Romeo ang nasa ikatlo sa 4.1 assists.
Bawi naman si Romeo sa steals sa 1.4 swats pero kasalo siya ni Jericho Cruz ng Adamson sa may pinakamaraming turnovers kada laro na 4.1 errors.
Samantala, wala pa ring makatapat sa husay na ipinakikita ni Terrence Romeo para sa ikatlong pagkakataon ay siya uli ang ginawaran ng lingguhang ACCEL 3XVI UAAP Press Corps Player of the Week na handog din ng Gatorade.
- Latest