^

PM Sports

Ika-pitong sunod na panalo asam ng Letran

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang ika-pitong sunod na panalo ang balak hagi­pin ng Letran, habang una­han sa pagputol sa ka­nilang losing streak ang ma­gaganap sa pagitan ng Emi­lio Aguinaldo College at Lyceum sa 89th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang Knights ay mapapalaban sa Mapua sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng labanan ng Generals at Pirates sa alas-6 ng gabi.

Ito na ang huling laro ng liga bago magpahinga sa loob ng dalawang linggo para magbigay-daan sa FIBA-Asia Men’s Championships na gagawin sa Agosto 1 hanggang 11.

Tinapatan na ng tropa ni coach Caloy Garcia ang ma­init na simula noong 2008 nang magtala ng anim na sunod na panalo ang Knights.

Huling koponan na pinadapa ng Letran ay ang Arel­lano, 67-57, noong Hulyo 25 para manatiling nagsosolo sa unahan sa 10 koponang liga.

Kung maglalaro nang husto ang mga inaasahan ni Garcia tulad nina Mark Cruz, Rey Nambatac at Raymond Almazan ay wa­lang nakikitang proble­ma ang Knights sa hanga­ring tagumpay dahil ang Cardinals ay papasok sa laro galing sa apat na su­nod na pagkatalo para sa nangungulelat na 1-5 ba­raha.

Samantala, putulin ang tatlong sunod na pagka­talo ang pagtutuunan ng Ge­nerals at Pirates upang makadikit pa sa mga koponang may winning records.

Isang panalo lamang sa anim na tagisan ang taglay ng tropa ni coach Gerry Esplana para makasalo sa huling puwesto ang host St. Benilde at Mapua, ha­bang ang Lyceum ay may­ 2-4 baraha pa­ra makapantay ang Arellano sa ikaa­nim at pitong puwesto sa standings.

Kailangang humugot ang Pirates ng magandang laro sa mga beterano sa pa­ngunguna nina Shane Ko at Dexter Zamora para makabawi matapos lumu­hod sa Blazers, 69-75, no­ong Hulyo 25.

AGUINALDO COLLEGE

ANG KNIGHTS

ASIA MEN

CALOY GARCIA

DEXTER ZAMORA

GERRY ESPLANA

HULYO

LETRAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with