Laban sa Cignal sa Finals ng Phl. Super Liga TMS-Army kinuha ang kampeonato
MANILA, Philippines - Bumangon ang TMS-Philippine Army mula sa kabiguan sa third set para talunin ang Cignal, 25-13, 25-18, 14-25, 25-16, at angkinin ang korona ng Philippine Super Liga women’s volleyball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Hindi napigilan ng HD Spikers ang Lady TrooÂpers, natalo lamang sa opening day, sa deciÂding set na nagtampok sa matulis na spike ni Mary Jean BalÂse patungo sa kanilang tagumpay.
Ang nagpanalong smash ni Balse ay tumalbog sa mukha ni Mariel Legaspi.
Tumapos ang dating kamador ng University of Sto. Tomas na si BalÂÂse na may 16 points, ang 11 ay mga kills, bukod pa sa 2 blocks at 3 service aces.
Nagpasikat naman si Jovelyn Gonzaga para sa TMS-Army mula sa kanyang 11 spikes para tumapos na may 12 points.
Bukod sa torneo at pagkilala bilang unang PSL champion, kinuha rin ng Lady Troopers ang premÂyong P150,000, habang tumanggap ang HD SpiÂkers ng P100,000.
Nalimita si Most Valuable Player Venus BerÂnal ng Cignal sa 8 points.
Tinalo naman ng Petron ang Cagayan Valley, 25-18, 22-25, 26-24, 25-18, para sikwatin ang ikatlong puwesto.
May 20 puntos si Maika Ortiz kasama ang 15 kills para pangunahan ang apat na manlalaro ng LaÂdy Blaze Spikers na may doble-pigura.
“Happy ako dahil dikitan ang labanan pero kuÂmaÂpit sila,†wika ni Petron head coach Vilet Ponce de Leon.
Tumapos naman sa ika-limang puwesto ang PLDT-MyDSL nang pataubin ang PCSO Bingo MilÂyonaryo sa limang mahigpitang sets, 25-18, 26-24, 21-25, 21-25, 20-18.
Ang mga kakampi ni Bernal sa sa Cignal na siÂna HoÂney Joy Tubino, Jen Reyes at Ariane Argarin ang kinilalang Best Spiker, Best Receiver at Best Setter, ayon sa pagkakasunod.
Si TMS-Army player Tina Salak ang hinirang na Best Blocker, habang sina Sandra Delos Santos at Jheck DioÂnela ng Cagayan Valley ang naging Best Server at Best Libero at si Pau Soriano ng PLDT-MyDSL ang Best Scorer.
- Latest