Pacers pinaplantsa na ang pagkuha kay Scola sa Suns
INDIANAPOLIS -- PiÂnaplantsa na ng PaÂcers ang isang trade para maÂkuÂha si Phoenix Suns forward Luis Scola, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.
Pinapanalisa na ng PaÂcers at ng Suns ang mga players at posibleng picks na masasangkot sa kaÂniÂlang trade.
Maaaring ibigay ng PaÂcers sa Suns ang isang fuÂture first-round draft pick bukod pa sa dagÂdag na draft at cash considerations kasama si guard GeÂÂrald Green.
Ilang linggo nang hinahabol ng Indiana si Scola na pinapakawalan na ng Phoenix mula sa direktiba ng bagong general manager na si Ryan McDonough.
May dalawang taon pa si Scola sa Suns na nagkakahalaga ng $9 milyon.
Malaki ang maitutulong ng 33-anyos na si Scola sa frontline ng Pacers sa pagnanais na makabawi sa two-time defending champion Miami Heat.
Maaaring makapalitan ni Scola sa posisyon sa PaÂcers si David West.
Nagtala si Scola ng mga averages na 12.8 points, 6.6 rebounds at 2.2 assists sa 82 games para sa Suns noÂong nakaraang season.
Sa kanyang naunang limang seasons sa Houston Rockets, si Scola ay naging isa sa mga versatile at offensively gifted scoring at passing forwards sa NBA.
Isa siyang star sa Argentina bago maglaro sa RocÂkets noong 2007-08 season.
Matagal na siyang miyembro ng Argentina natioÂnal team.
- Latest