TMS-Army kontra Cignal para sa korona ng Super Liga
LARO NGAYON
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
1 p.m. PLDT-MyDSL vs PCSO Bingo
3 p.m. Cagayan Valley vs Petron
5 p.m. TMS-Army vs Cignal
MANILA, Philippines - Magkakaalaman ngayon kung sino ang kikilalanin biÂÂlang reyna sa Philippine SuÂper Liga sa pagkikita ng TMS-Philippine Army at Cignal sa Mall of Asia AreÂna sa Pasay City.
Sa ikatlong laro ganap na alas-5 ng hapon magsiÂsimula ang bakbakan ng dalawang koponan na luÂmusot sa semifinals paÂra manatiling buhay ang paghahabol sa titulo sa ligang inorgansia ng SportsCore at may ayuda pa ng Solar Sports, Mikasa, Asics, PSC, San Juan Arena, Healthway Medical, LGR outfitter, Lonovo, Vibram Five Fingers at Pagcor.
Magtutuos ang PLDT-MyDSL at PCSO Bingo MilÂyonaryo sa ala-1 ng haÂpon para sa labanan sa ika-limang puwesto bago sundan ng pagkikita ng Cagayan Valley at Petron sa alas-3 para sa ikatlong puÂwesto.
Pinalad ang Lady Troopers na malusutan ang CaÂgayan Valley matapos kunin ang 25-22, 25-22, 25-25,10-25, 15-13 panalo sa semifinals.
Galing naman ang HD Spikers mula sa mas madaling 25-20, 25-20, 25-23 tagumpay sa Petron.
Sasandal ang Lady Troopers kina Cristina SaÂlak, Michelle CaroliÂno, MaÂry Jean Balse at NeÂrissa Bautista laban kina VeÂnus Bernal, Honey Royse Tubino at Danika GenÂdrauli.
Yumukod ang Cignal sa TMS-Army sa unang pagÂkikita sa eliminasyon, 25-22, 25-15, 25-27, 25-18, pero malaki na ang iniÂunlad nito.
- Latest