^

PM Sports

Melindo determinadong pabagsakin si Estrada

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangako si Filipino challenger Milan Melindo na gagawin ang lahat para maagaw kay Mexican world flyweight champion Juan Francisco Estrada ang dalawang koronang suot nito sa kanilang banggaan ngayong gabi sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel sa Macau, China.

“Hindi ako lumalaban para sa sarili ko, hindi lang para sa pamilya ko, pero para sa lahat na mga Filipino,” sabi ni Melindo matapos ang isang press confe-rence noong Huwebes ng gabi.

Ang banggaan nina Melindo at Estrada ay bahagi ng “Fists of Gold II” card na pinangungunahan ni two-time Olympic gold winner Zou Shiming laban kay Mexican Jesus Ortega.

Ito ang unang pagkakataon na lalaban ang 25-an-yos na si Melindo (29-0-0, 12 KOs) para sa isang lehitimong world boxing title.

Itataya naman ng 23-anyos na si Estrada (24-2-0, 18 KOs) ang kanyang mga suot na World Boxing Associatoon at World Boxing Organization flyweight titles.

Ang WBO crown ay inagaw ni Estrada kay Brian ‘The Hawaiin Punch’ Viloria mula sa kanyang unanimous decision win noong Abril sa The Venetian.

“Melindo is the No. 1 rated fighter. I’m happy to fight the best. It’s a great experience to learn from the best so as to become the No. 1,” wika ni Estrada.

Nangako naman si Bob Arum ng Top Rank Promotions na magiging kapana-panabik ang laban nina Melindo at Estrada.

BOB ARUM

COTAI ARENA

FISTS OF GOLD

HAWAIIN PUNCH

JUAN FRANCISCO ESTRADA

MELINDO

MEXICAN JESUS ORTEGA

MILAN MELINDO

NANGAKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with