^

PM Sports

Nais lumayo ng Sto. Tomas

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil dikit-dikit ang mga koponan sa UAAP, mahalaga ang bawat la-rong maipapanalo.

Sa ganitong sitwasyon, tatangkain ng UST na lumayo pa sa mga koponang nasa ikatlong puwesto pababa sa pag-asinta ng panalo laban sa 5-time defending champion Ateneo sa pagpapatuloy ng 76th UAAP men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

May 4-2 baraha ang Tigers at kahit matalo pa ay selyado na nila ang number two seeding sa pagtatapos ng first round.

Pero iba na kung may limang panalo na ang tropa ni coach Alfredo Jarencio dahil dagdag puhunan ito para sa pagsisimula ng mas mainitang second round.

Ang laro ay mapapanood dakong alas-4 ng hapon at ang Blue Eagles ay susubok na makuha ang ikatlong panalo laban sa apat na kabiguan.

“Mahalaga itong panalo para makuha ang two spots. Sana ay hindi magbago ang laro nila,” wika ni Jarencio.

Patuloy na hindi maglalaro si Jeric Teng kaya’t ang kakamada pa rin ay sina Kevin Ferrer, Karim Abdul, Aljon Ma-riano at Clark Bautista.

Nasa unahan ng Eagles ang Adamson, National University, La Salle at UE sa 3-3 baraha kaya’t malaki ang posibilidad na umangat ang tropa ni Perasol sa ikatlo o ikaapat na puwesto kung mananalo.

“This is a big game for us since we can finish tied for third or fourth spot depending on the outcome of the other games,” wika ni Perasol.

Ang pagbabalik sa tunay na kondisyon ni Kiefer Ravena ang nagpapatibay sa laban ng Eagles.

Mauunang magsalpukan sa ganap na ika-2 ng hapon ang UE at UP at pinapaboran ang Red Warriors na matuhog ang ikaapat na panalo sa pitong laro dahil hindi pa nakakaisa ang Maroons matapos ang anim na laban. (AT)

Samantala, sinuspindi ni UAAP commissioner Chito Loyzaga si referee Francisco Olivar Jr. ng tatlong laro matapos magkamali nang tawagan ng unsportsmanlike foul si Gian Abrigo laban kay Norbert Torres na nakatulong sa 70-67 panalo ng Archers sa Falcons noong nakaraang Miyerkules.

“The call resulted in an advantage to La Salle which eventually won the game. As UAAP Commissioner, I take full responsibility of the action made by the member of the technical unit of the league. I also expressed my sincerest apologies to coach Leo Austria, Adamson team and Adamson community,” wika ng statement ni Loyzaga.

 

ADAMSON

ALFREDO JARENCIO

ALJON MA

BLUE EAGLES

CHITO LOYZAGA

CLARK BAUTISTA

FRANCISCO OLIVAR JR.

GIAN ABRIGO

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with