Rios dumating na sa Macau
MANILA, Philippines - Dumating na kahapon ang grupo ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Macau, China para sa nakatakda nilang press conference ni Manny Pacquiao bukas sa The Venetian.
“Just got to Macua, China it’s a different world out here,†wika ni Rios sa kanyang Twitter account.
Isang seven-city international promotional tour ang gagawin nina Pacquiao at Rios para sa kanilang banggaan sa Nobyembre 23 sa The Venetian.
Matapos ang kanilang press conference bukas sa Macau, magtutungo naman ang nasabing promotional tour nina Pacquiao at Rios sa Beijing, Shanghai at Singapore bago ito dalhin sa Bristol, Connec-ticut, sa New York at sa Los Angeles, California.
Maglalaban sina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1, 23 KOs) sa isang non-title, welterweight fight.
Kapwa nanggaling sa kabiguan ang 34-an-yos na si Pacquiao at ang 27-anyos na si Rios bago ang kanilang pagtatapat.
Samantala, posible namang makasabay ni Pacquiao sa pag-eensayo si Chinese superstar Zou Shiming, ayon kay chief trainer Freddie Roach sa panayam ng Macau Daily Times.
“One of his biggest fans, Manny Pacquiao, is coming, and they haven’t met yet. The thing is, we are going to be in the training camp together and they may even box together,†ani Roach.
Makakaharap ng two-time Olympic gold me-dalist na si Shiming si Jesus Ortega ng Mexico sa kanyang ikalawang professional bout sa Hulyo 27 sa nasabi ring venue.
Matapos ang nasabing laban ni Shiming ay makikipag-ensayo ang 32-anyos na si Shiming, minsan nang tinalo si Filipino Olympian Harry Tanamor sa World Championships, kay Pacquiao.
- Latest