BGC Cycle Phils. Idaraos sa Nob. 15-17
MANILA, Philippines - Isinama ng Cycle Asia, nag-oorganisa at nagpo-promote ng mga cycling festivals sa Asian region, ang Pilipinas sa kanilang kalendaryo.
Matapos ang mata-gumpay na pagdaraos sa OCBC Cycle Malaysia at sa OCBC Cycle Singapore, ilu-lunsad ng Cycle Asia ang BGC Cycle Philippines sa Nobyembre 15-17.
Dinaluhan ni Chris Robb, ang managing director ng Spectrum Worldwide at may-ari ng Cycle Asia, ang press launch kahapon sa SEDA Hotel sa BGC (Bonifacio Global City).
“I just returned from the Tour de France and what struck me was the incredible global growth of recreational cycling, seeing thousands and thousands and thousands of recreational cyclists along the road,†ani Robb.
Idaraos ng Cycle Philippines ang nasabing three-day cycling festival sa BGC sa Taguig.
Nakipagtuwang ang Sunrise Events, pina-ngungunahan ni Alaska Milk CEO Fred Uytengsu, at ang BGC sa Spectrum Worldwide para sa pamamahala sa naturang event katulong ang The Phil. Star.
Higit sa 3,000 partisipante, ang karamihan dito ay mga recreational riders, ang inaasahang lalahok sa tricyle ride, kids’ ride at 20-kilometer community ride.
- Latest