^

PM Sports

Na-delay ang flight ni LeBron

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghintay si Miami Heat superstar Lebron James at ang kanyang mga kasama ng halos isang  oras at kalahati sa Ages Aviation hangar sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan humimpil ang kanyang Gulf Stream exe-cutive jet nang dumating ito noong Lunes.

Sinabi ni Christopher Salonga, assistant general manager ng Ages Aviation na aalis na sana bandang alas-8:45 ng umaga patungong Guangzhou, China ang delegasyon ni James nang mapansin ng piloto ang aircraft warning light sa cockpit habang tinatahak ang daan patungong runway 06.

Sinabi ni Salonga na nagdesisyon ang piloto na ibalik ang eroplano sa Ages para sa maintenance check.

“It is better to know the situation of the aircraft while on the ground” sabi ng piloto kay Salonga.

Nakaalis ang grupo ni James dakong alas-10:15 ng umaga.

Dumating si James sa Manila sa unang pagkakataon noong Lunes para magdaos ng clinic at exhibition game sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Natuwa si James sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mahigit 11,000 Pinoy fans na nagpunta sa MOA. “I didn’t expect this, It is my first time here so I didn’t know what to expect,” sabi ng tuwang-tuwang si James na nangakong muling magbabalik dito sa bansa.

AGES AVIATION

CHRISTOPHER SALONGA

GULF STREAM

LEBRON JAMES

MALL OF ASIA ARENA

MIAMI HEAT

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

SALONGA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with