^

PM Sports

Metro Turf Club nagbigay ng magandang kita sa pamahalaan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang mainit na suporta ng bayang-karerista sa mga programang handog ng bagong race track na Metro Turf Club sa Malvar, Batangas ang nakatulong para makapagbigay ito ng magandang kita sa pamahalaan sa kanilang ibinabayad na buwis.

Sa datos na lumabas mula sa state-of-the art racing club, ipinakita nito na umabot na sa P119.61 milyon ang naipasok sa kaban-yaman ng pamahalaan matapos lamang ang limang buwang ope-rasyon.

“Dahil sa suporta ng bayang-karerista kaya’t patuloy ang pagganda ng sales ng club at nakakatulong tayo para madagdagan ang pondo ng pamahalaan sa pamamagitan ng matataas na buwis na aming ibinabayad,” wika ni Metro Turf Senior Vice President Rudy Prado.

Ang documentary stamp ang nakakapagbigay ng malaking buwis ang racing club umabot na sa P60,179,316.00 ang naipasok sa pamahalaan.

Sampung sentimo ang share ng gobyerno sa bawat documentary stamp  at noong Abril naitala ang pinakamalaking buwis na P14.47 milyon matapos magsimula sa P8.16 mil-yon noong Pebrero.

Bumaba ito sa P11.22 milyon noong Hunyo pero nangyari ito dahil sa naganap na racing holiday at dalawang racing day sa Metro Turf ang nakansela.

Nasa P46 milyon buwis ang nakuha sa premyong ipinamahagi at ang buwis sa winning tickets ay nasa P39,167,982.00 habang P7,325,128.00 ang buwis sa mga premyo ng horse owners.

Gumagawa pa ng paraan ang pamunuan ng racing club para mas tauhin pa ang kanilang mga programa at kasama rin dito ang pagpapasigla sa mga manonood mismo sa Metro Turf.

Isa nga sa pinaplano  ay ang paglalagay ng ibang sports events na gagawin sa umaga o bago magsimula ang karera upang maaaring magsamasama ang isang pamil-ya sa loob ng maghapon sa karerahan.

“We are going all-out to make the Metro Turf as one great sporting destination where families can develop their bonding while inside the racing club,” sabi pa ni Prado.

Isang malaking karera na pinaghahandaan nga-yon ng racing club at ito ay ang Atty. Rodrigo L. Salud Race na 4th leg Imported/Local Challenge Race na gagawin sa Agosto 4.

Ito na ang ikatlong major race na gagawin sa karerahan mula nang buksan noong Pebrero 24 matapos ang Leopoldo Prieto II at III sa pagbubukas ng club at ang 1st leg ng Philracom Triple Crown Championships noong Mayo 18.

vuukle comment

BUWIS

CLUB

LEOPOLDO PRIETO

LOCAL CHALLENGE RACE

METRO TURF

METRO TURF CLUB

METRO TURF SENIOR VICE PRESIDENT RUDY PRADO

PEBRERO

PHILRACOM TRIPLE CROWN CHAMPIONSHIPS

RACING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with