^

PM Sports

2 championship ring ni Bryant nabili ng mahal sa subasta

Pang-masa

WEST BERLIN, New Jersey — Nabenta ang dalawang NBA championship rings na ibinigay ni Kobe Bryant sa kanyang mga magulang  ng mahigit sa $100,000 bawat isa sa isang subasta.

 Ayon sa Goldin Auctions, anim na items mula sa memorabilia ni Bryant ay nabenta ng kabuuang $433,531 sa isang buong buwang subasta na natapos noong Sabado.

Ang 2000 Lakers championship ring na ibinigay ni Bryant sa kanyang amang si Joe, ay nabenta ng $174,184. Ang singsing na ibinigay sa kanyang inang si Pamela, sa parehong championship season ay nabenta ng $108,153.



Idinimanda ni Bryant ang auction company, dahil aniya ay walang karapatan ang kanyang ina na ibenta ang singsing.

Nagkaroon ng aregluhan para mabenta ang anim na items matapos humingi ng paumanhin ang mga magulang ni Bryant sa kanya.

Ido-donate ng  Goldin Auctions ang bahagi ng kinita na $62,565 sa The Bully Project, isang charity na sinusuportahan ni Bryant.

AYON

BRYANT

BULLY PROJECT

GOLDIN AUCTIONS

IDINIMANDA

KOBE BRYANT

NABENTA

NAGKAROON

PAMELA

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with