Gilas Pilipinas susubukan muna ng PBA selection at Kazakhstan
MANILA, Philippines - Nakatakdang labanan ng Gilas Pilipinas ang isang PBA Selection bukas sa MOA Arena sa Pasay City kasunod ang pakikipagharap sa Kazakhstan sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.
Ang Kazakhstan ang posibleng makasagupa ng Gilas sa quarterfinal round ng 27th FIBA-Asia Men’s Championships na nakatakda sa Agosto 1-11 at ilalaro sa MOA Arena at sa Ninoy Aquino Stadium.
Kasama ng Gilas sa Group B ang Jordan, Chinese Taipei at Saudi Arabia, habang kagrupo naman ng Kazakhstan sa Group D ang Bahrain, India at Thailand.
Inaasahang makakapasok ang dating Russian republic sa knockout stage kung saan nila makakatapat ang Gilas Pilipinas.
Maaaring magtapos ang Gilas bilang No. 1 o No. 2 sa Group A-B side at kaya namang makaabante ng Kazakhs sa do-or-die stage bilang No. 3 o No. 4 qualifier buhat sa C-D bracket.
Isang matangkad na koponan na may mga dsenteng outside gunners, ang Kazakhstan ang No. 1 team mula sa Central Asia na nagtapos na ikatlo sa nakaraang Asian Games at ikaapat sa nakaraang FIBA-Asia Championships.
Matapos ang isang four-year absence sa Asian basketball, hangad ng Kazakhstan, babanderahan ni Euro League veteran Jerry Jamar ‘Triple J’ Johnson, na ma-kagawa ng ingay sa ilalim ni Italian coach Matteo Boniciolli.
Si Johnson ang star guard ng Astana team sa Kazakhstan league.
Ang Rider University Hall of Famer ay gumawa ng pangalan sa Euro basketball mula sa kanyang paglalaro sa Turkey, France, Belgium, Lithua-nia at Kazakhstan.
Kumampanya si Johnson sa Europe matapos mabigong mapasama sa line-up ng LA Clippers noong 2006 NBA season.
- Latest