Young Turk nanguna sa PCSO 2YO Special Maiden Race
MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng kabayong Young Turk ang panalong nakuha sa Sweepstakes Trial race nang mangibabaw sa Phi-lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) 2-Year Old Special Maiden Race noong Sabado sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Si Jonathan Hernandez ang hinete ng kabayo na kinuha ang 1,200-metro distansya sa bilis na 1:10.8 gamit ang kuwartos na 23, 22, 25’.
Tila sinukat muna ni Hernandez ang mga katunggali nang ilagay lamang ang Young Turk sa ikatlong puwesto matapos buksan ang aparato.
Ang UP And Away ni Mark Alvarez at Asikaso ni John Alvin Guce ang mga unang naglabanan sa unahan hanggang sapitin ang tres octavo.
Dito ay bumilis na ang Young Turk at mula sa labas ay umabante na habang rumeremate na rin ang Up And Away habang mainit na rin ang pagdating ng Mona’s Art, ang pumangalawa sa Trial race at slight favorite sa Daily Double.
Pero buo pa rin ang kabayo ni Hernandez para maunang tumawid sa meta dala ang dalawang dipang layo na agwat sa puma-ngalawang Up And Away.
Tersero lamang ang Mona’s Art bago tumawid ang kabayong Move On para makumpleto ang datingan.
Halagang P600,000.00 ang napunta kay Congressman Jecli Lapus na siyang may-ari ng Young Turk mula sa P1 milyong premyo na inilagay ng nagtaguyod na Philippine Racing Commission (Philracom).
Ang breeder ng nanalong kabayo ay nabiya-yaan din ng P50,000.00.
Ang handlers ng Up And Away ay mayroong P225,000.00 habang P125,000.00 ang premyo ng pumangatlong kabayo.
Ito ang ikatlong ma-laking karera na ginawa sa state-of-the art horse racing club sapul nang buksan noong Pebrero.
Ang nagpasigla sa pagbubukas ng pista noong Pebrero 24 ay ang Leopoldo “Prieto†Cup II at III habang ang pinakamalaking karera na idinaos sa club ay ang 1st leg ng Triple Crown Championship at Hopeful Stakes noong May 18.
- Latest