Bynum ipinakilala na ng Cleveland Cavaliers
INDEPENDENCE, Ohio -- Ilang minuto maÂtapos pumirma ng kontrata sa Cleveland, ipinaÂngako ni Andrew Bynum na magiging isang playoff team ang Cavaliers.
Ngunit depende ito sa kondisyon ng kanÂyang mga tuhod para siya maÂging starting center ng Cleveland.
“Getting my career on track is my only goal for the season,†wika ni ByÂnum sa pagpapakilala sa kanÂya sa isang press conÂfeÂrence noong BiyerÂnes. “The Cavs have giÂven me every opportunity to sucÂceed, and we’ve put toÂgether a plan. I really beÂlieve in the doctors here and the training staff.â€
“I want to play a full season, and there is no doubt in my mind I can do that. I’m going to be ready for training camp, that’s the plan,†dagdag pa ng dating sentro ng Los AnÂgeles Lakers at Philadelphia 76ers.
Lumagda si Bynum ng isang two-year, $24 million contract sa Cavaliers para tapusin ang kanyang pamamalagi sa 76ers.
Hindi nakalaro ang seÂven-footer sa kabuuan ng nakaraang season dahil sa problema sa kanyang tuÂhod matapos mapasama sa isang four-team trade.
Bagama’t sumailalim si Bynum ng bilateral arthroscopic surgery sa kanyang mga tuhod noong MarÂso, hindi pa rin siya piÂnapayagang tumakbo.
Siya ang naging praÂyoÂridad ni Cleveland geÂÂÂneral manager Chris Grant sa free agency.
“We’re all aware of what his injuries have been,†sabi ni Grant. “He’s also well aware of that and has taken ownership of the process.â€
- Latest