Balbona, Villarin kampeon sa Nat’l Youth Active Chess
MANILA, Philippines - Bumangon ang fourth seed na si Felix Balbona sa pagkatalo sa sixth round kay No. 11 John Acedo sa pamamagitan ng pag-sweep ng sumunod na tatlong rounds upang makopo ang juniors boys’ crown habang dalawa ang tinalo ni Jazelle Villarin sa tiebreak para makopo ang titulo sa girls division sa Shell National Youth Active Chess Championships Visayas leg sa SM City Cebu Event Center noong Linggo.
Iginupo ni Balbona, kasalo sa liderato nina Allan Pason at Acedo matapos ang limang rounds, sina Adrian dela Cruz, Vincent Balena at Sherwin Amad upang tabunan ang pagkatalo kay Acedo at makalikom ng 8 points.
Tinalo ni Acedo si Pason sa seventh round para makuha ang solo lead ngunit bigo sa kanyang sumunod na dalawang laban kina Amad at Kyle Sevillano, at makontento sa 2.5 points sa huling apat na rounds, para makuha ang second place sa 7.5 points at isang slot sa National finals ng pinakamatandang chess tournament sa bansa na suportado ng Pilipinas Shell.
Ang fourth-ranked na si Villarin ay nakarekober mula sa back-to-back na pagkatalo sa fifth round matapos ang panalo kay Claire Morala sa final round para magtapos na may anim na puntos at maungusan sina Adelaide Lim at Airene Robillos sa tiebreak para pangunahan ang girls category na may kakabit na slot sa National finals.
- Latest