Makakapag-concentrate na si Donaire sa training
MANILA, Philippines - Ngayong isinilang na ang kanilang unang anak ng asawang si Rachel Marcial, inaasahang 100 porsiyento na ang ibibigay na atensyon ni dating unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. sa kanyang training camp.
Isang malusog na batang lalaki ang iniluwal ni Rachel noong Martes ng umaga (US time) sa Las Vegas, Nevada.
“No championship belts or victory could amount to the joy I felt the 1st time I heard him cry & held him in my arms,†sabi ni Donaire sa kanyang Twitter account.
Ang anak nina Donaire at Rachel na pinangalanang Jarel na ang ibig sabihin ay ‘Junior, Rachel and Everlasting Love’ ay ipinanganak via ceasarean.
Ang pag-alala sa kanyang mag-ina ang isa sa mga sinasabing dahilan ng kabiguan ni Donaire (31-2-0, 20 KOs) kay Guillermo Rigondeaux (12-0, 8 KOs) ng Cuba noong Abril 13 sa Radio City Music Hall sa New York City.
Naagaw ng 32-anyos na si Rigondeaux ang dating suot na World Boxing Organization belt ng 30-anyos na si Donaire, hawak pa rin ang International Boxing Federation crown.
Plano ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na itakda ang rematch nina Donaire at dating world flyweight champion Vic Darchinyan (39-5-1, 28 KOs) sa Nobyembre.
Si Donaire ang nagpatulog kay Darchinyan sa fifth round para agawin sa Armenian fighter ang mga suot nitong International Boxing Federation at Internatio-nal Boxing Organization flyweight titles noong Hulyo ng 2007.
- Latest