TMS-Army volleybelles hangad ang ika-4 sunod na panalo
TEAM W L
Cagayan Valley 3 1
TMS-Army 3 1
Petron 2 2
Cignal 2 2
PLDT-MyDSL 1 3
PCSO-Bingo 1 3
Laro NGAYON
(Philsports Arena, Pasig City)
2 p.m. – PLDT-MyDSL
vs Cignal
4 p.m. – TMS-Philippine Army vs PCSO-Bingo Milyonaryo
6 p.m. – Petron
vs Cagayan Valley
MANILA, Philippines - Wakasan ang kampan-ya sa eliminasyon bitbit ang apat na sunod na panalo ang hanap ng TMS-Army sa Philippine Super Liga Invitational ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Katipan ng Lady Troopers ang PCSO-Bingo Mil-yonaryo sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon at nakataya sa koponan ang ikaapat na sunod na panalo na magsisilbing tiket din sa semifinals.
Kasalo ngayon ng TMS-Army ang Cagayan Valley sa unang puwesto sa 3-1 karta at ang Lady Rising Sun ay babangga sa Petron dakong alas-6 at nangangailangan din ng panalo para dumiretso na sa Final Four.
Ang mangungunang dalawang koponan matapos ang single-round robin ang aabante na sa semifinals habang ang apat na maiiwan ay sasailalim sa crossover para malaman ang dalawa pang koponan na kukumpleto sa Final Four.
Ang Cignal at Petron ay mayroong 2-2 karta at puwedeng magkaroon ng three-way o four-way tie sa unang puwesto depende sa kalalabasan ng mga laro ng Lady Rising Suns at Lady Troopers.
Sariwa ang TMS-Army sa 25-14, 24-26, 25-23, 19-25, 15-10, tagum-pay sa PLDT-MyDSL at aasa sila sa husay nina Mary Jean Balse, Michelle Carolino at Nene Bautista upang makaiwas sa kumplikasyon sa pag-abante sa susunod na yugto.
Ang Cignal ang makakasukatan ng PLDT-MyDSL sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon at sasandalan ng HD Spikers ang pagpapalasap ng unang pagkatalo ng Cagayan Valley para maging palaban pa sa insentibo na ibibigay sa mangungunang dalawang koponan.
- Latest