Smith inoperahan
NEW YORK -- Sumailalim si New York guard J.R. Smith sa isang patella tendon surgery at arthroscopy sa kanyang kaliwang tuhod na siyang magiging dahilan ng hindi niya pagkakasama sa training camp ng Knicks sa Setyembre.
Sinabi ng koponan na mangangailangan si Smith ng 12 hanggang 16 linggo para maka-recover mula sa naturang operasyon sa ilalim ni Dr. Answorth Allen sa Hospital for Special Surgery noong Lunes.
Tinulungan ni Smith, nahirang na Sixth Man of the Year, ang Knicks na makapasok sa playoffs bago siya nanghina sa postseason.
Nanatili ang produkto ng New Jersey sa Knicks na magbibigay sa kanya ng $25 milyon sa loob ng apat na taon. Nagtala siya ng average na 18.1 points sa regular season pangalawa kay Carmelo Anthony.
- Latest