Postrado, Payong nanguna sa Naga Milo Marathon
MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Eugene Postrado at Gemma Payong ang labanan sa 21-Kilometer run sa 37th National Milo Marathon sa Naga City.
Kapwa tumanggap sina Postrado at Payong ng tig-P10,000.00 at tropeo, ngunit tanging si Postrado ang nakakuha ng tiket para sa National Finals sa Disyembre 8.
Sa 6,601 runners na lumahok sa karera, 19 pang male runners ang nakapasok sa National Finals kung saan ang magkakampeon ay ipapadala sa Paris Marathon sa 2014.
Nakisama sa 34-gulang na si Postrado ang magandang panahon para tawirin nito ang finish line sa oras na 1:16:08 para talunin sina Martin Balaybo (1:18:12) at Marino Jr. Lagyap (1:18:36).
Noong nakaraang taon ay si Postrado ang 2012 all-Filipino category winner ng 10-K Mayon Trail Run at second runner-up sa 21-K Xterra Trail Run.
“I have been running for 16 years already, but this is only the second time I’ve qualified for the Milo Marathon National Finals. Qualifying for the finale is a huge accomplishment. I will continue to train hard and focus on my training regimen for the competition,†sabi ni Postrado na walong taon nang tumatakbo sa National Milo Marathon.
Sa women’s division, nagtala ang 32-gulang na si Payong ng 1:48:53, para talunin sina Melissa Missy Hilario (1:55:43) at Ma. Jean Benito (2:05:53).
- Latest