Pierce, Garnett sa Brooklyn
NEW YORK -- Pa-punta na sina Paul Pierce at Kevin Garnett sa Brooklyn.
Ito ay matapos maplantsa ng Nets at ng Boston Celtics ang kanilang draft-night trade na nagtatampok sa isang nine-player, three-draft pick swap na sumentro kina Pierce at Garnett na nagbigay sa Boston ng NBA crown noong 2008.
Tiwala ang Nets para sa kanilang ikalawang season sa Brooklyn kasama sina Pierce at Garnett.
“Today, the basketball gods smiled on the Nets,†sabi ni Nets owner Mikhail Prokhorov sa isang statement. “With the arrival of Kevin Garnett and Paul Pierce, we have achieved a great balance on our roster between veteran stars and young talents. This team will be dazzling to watch, and tough to compete against.â€
Nakuha rin ng Nets sina Jason Terry at D.J. White mula sa Boston kasabay ng pagdadala kina Gerald Wallace, Kris Humphries, MarShon Brooks, Kris Joseph, Keith Bogans at first-round draft picks sa 2014, 2016 at 2018 sa Celtics.
Nakuha rin ng Boston ang karapatang i-swap ang kanilang first-round picks sa 2017.
Plano ng Nets na ipa-kilala ang kanilang mga bagong players sa Huwebes sa Barclays Center.
Nanalo ang Boston ng limang sunod na division titles mula 2008 hanggang 2012 bago nabigo noong nakaraang season.
- Latest