Native Princess pinagtiyagaang ipanalo ni jockey LC Lunar
MANILA, Philippines - Napagtiyagaan ni LC Lunar na pag-initin ang kabayong Native Princess para makapanggulat sa idinaos na pista noong Miyerkules ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Labanan sa hanay ng mga 3YO at 4YO Maiden race sa 1,400-metro distansya ang karera na nilahukan ng walong kabayo at ang 3-year old filly na Native Princess ay naunang nalagay sa pangalawa sa bugaw.
Pero hindi tinigilan sa katutulak ni Lunar ang kabayo at sa huling kurbada ay nailagay niya sa pang-apat na puwesto ang kabayo sa magandang puwesto sa balya.
Pagsapit sa rekta ay una na ito habang ang rumemate ring Chain Smoker ni Virgilio Camañero Jr. at patok sa mga sumali ay nakasabay din sa unahan.
Pero malakas pa ang Native Princess na nasa ikalawang opisyal na takbo para iwanan ng halos dalawang dipa ang mga nakalaban.
Sinuwerteng nakauÂngos sa ikalawang puwesto ang Chain Smoker sa dehadong Silver Screen.
Nagpiyesta agad ang mga dehadista sa panalo ng kabayong may lahing Fort Dignity at Footwear dahil ito ang long shot sa karerang ginawa sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).
Nasa P140.50 ang ibinigay na dibidendo sa win ng Native Princess habang tumataginÂting na P3,263.50 ang 1-5. Mas maganda pang P20,955.80 ang ipinamahagi sa trifecta na 1-5-3.
Bagsak agad ang Winner-Take-All sa panalong ito ng nasabing kabayo at matapos ang pitong karera ay walang nakakuha sa tamang kumbinasyon na 1-5-4-1-8-3-1 para magkaroon ng carry-over na P1,813,965.84.
Pinakaliyamadong kabayo na kuminang ay ang Don Andres sa pagdadala ni Jeff Zarate sa NHG 3YO Handicap Race sa 1,300m distansya.
- Latest