^

PM Sports

Bynum tinanggap ang alok ng Cavs

Pang-masa

MANILA, Philippines - Gagarantiyahan ng Cleveland Cavaliers ang $6 million sa posibleng  $24.5 million na two-year contract na puno ng incentive para kay free agent Andrew Bynum  na kanilang napagkasunduan nitong Miyerkules, ayon sa source.

Ang history ni Bynum sa problema sa tuhod kabilang ang hindi paglalaro sa buong 2012-13 season ang dahilan kung bakit ilag ang mga teams na garantiyahan ang  kanyang kontrata.

Matapos bisitahin ang Cleveland, Atlanta at Dallas sa magkakasunod na araw, pinili ni Bynum ang alok ng Cavaliers nitong Miyerkules ng gabi.

Kasama sa kasunduan ang risonableng incentives sa playing time at games played para sa season kung saan posibleng kumita si Bynum ng $12 million, ayon sa source. Ang Cavaliers ay may option para sa 2014-15 season na nagkakahalaga ng $12.5 million.

ANDREW BYNUM

ANG CAVALIERS

BYNUM

CAVALIERS

CLEVELAND CAVALIERS

GAGARANTIYAHAN

KASAMA

MATAPOS

MILLION

MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with