^

PM Sports

2013 William Jones Cup May 3 panalo na ang South Korea

NB - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siguradong napag-aralan na ng mga ipinadalang scouts ng Pinas sa William Jones Cup ang South Korea na posibleng makaduwelo ng Gilas Pilipinas sa quarterfinal round ng da­rating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.

Inangkin ng South Ko­rea ang kanilang pa-ngatlong sunod na panalo matapos payukurin ang  US selection, 85-79, noong Lu­nes para pangunahan ang torneo.

Pinangunahan ni Talk ‘N Text coach Norman Black ang grupong ipinadala sa Chinese Taipei upang pag-aralan ang mga teams na posibleng makakalaban ng Gilas Pilipinas sa FIBA-Asia meet.

Nagbida para sa panalo ng Koreans si­na Lee Seung-jun, Kim Sun-hyung at Cho Sung-min.

Nauna nang binigo ng South Korea ang Egypt at ang Taipei-B.

Nakatakdang sagupain ka­gabi ng Korea, puma-ngatlo sa pinakahuling Asian meet sa Wuhan, Chi­na, ang Lebanon target ang kanilang ikaapat na sunod na arangkada.

Ang Jones Cup ang ginagamit ng South Korea bilang preparasyon sa FIBA-Asia Men’s Championships maliban pa sa pagsubok kina Lee (dating si Eric Sandrin) at Moon Tae Young (da-ting si Greg Stevenson) na kap­wa humahawak ng duel ci­tizenship papers.

Sa ilalim ng binagong FIBA rules, sina Lee at Moon ay ikinukunsi-derang mga naturalized players katulad nina Chris Ellis, Cliff Hodge at ilan pang mga bagong Fil-foreign players.

Gagamitin ng Koreans ang sinuman kina Lee o Moon na kanilang natura­lized player para sa Manila Asian meet na isang regional elimina­tion patungo sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ilang Korean-Ame­ricans ang kinaliskisan ng South Korea.

Nagtala si Lee ng 13 points sa kanilang six-point win laban sa Americans.

Ang Taipei at Jordan kasama ang Saudi Arabia ang makakalaban ng Gilas sa first round sa FIBA-Asia meet.

ANG JONES CUP

ANG TAIPEI

ASIA MEN

CHINESE TAIPEI

CHO SUNG

CHRIS ELLIS

GILAS PILIPINAS

SHY

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with