Puwedeng maging free agent uli si Howard sa 2016
MANILA, Philippines - Nakapaloob sa kontrata ni Dwight Howard sa Houston Rockets na mayroon siyang option ng maagang iterminate ang kontrata pagkatapos ng 2015-16 season at 15 percent trade kicker, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Nakipagkasundo si Howard sa 4-year $88 million maximum contract sa Rockets.
Sa pagkakakuha kay Howard, na-ging lehitimong contender ang Houston sa Western Conference.
Sa naturang ‘early termination clause’ – o opt-out – puwede uling ma-ging free agent si Howard sa 2016 kaya puwede uli siyang pumirma ng five-year, maximum contract deal sa Rockets o lumipat uli sa ibang team.
Kung ite-trade si Howard habang buhay ang kanyang kontrata, bibigyan siya ng 15 percent ng natitirang halaga sa kanyang kontrata bilang kicker.
Matapos magdesisyon na lumipat sa ibang team, may balitang nakipag-usap pa si Howard sa Lakers para magpaalam. Ang Dallas, Golden State at Atlanta ang iba pang teams na naghabol kay Howard.
- Latest