EAC lusot sa CSB
MANILA, Philippines - Lumabas ang inaasahang laro sa mga beterano ng Emilio Aguinaldo College para maitala ang 73-72 come-from-behind panalo sa host College of St. Benilde sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Si John Tayongtong ay gumawa ng split sa free throw line para ibigay ang isang puntos na kalama-ngan sa huling 5.5 segundo at wakasan ng Generals ang dalawang magkadikit na pagkatalo na bumulaga sa kanilang kampanya.
May 16 puntos, 5 assists at 3 rebounds si Tayongtong habang ang iba pang beterano tulad ni Igee King, Noube Happi at Jan Jamon ay may 16, 14 at 13 marka.
“The boys showed resiliency. They refuse to give up despite trailing by 12 last in the fourth period,†masayang sinabi ni coach Gerry Esplana. “They also played defense na hinahanap ko sa second half.â€
Ang 3-point play ni King ang nagpaningas sa 15-2 run na nagbangon sa Generals mula sa 58-70 iskor sa huling 5:42 ng labanan.
Si Happi na naglaro kahit may MCL sa kanang tuhod, ay nakaagaw kay Paolo Romero na nagresulta sa split sa charity stripe para magtabla ang dalawang koponan sa 72-all sa huling 10.8 segundo.
Nag-timeout si Blazers coach Gabby Velasco pero ang desisyon na ibalik si Luis Sinco na dinapuan ng pulikat ay hindi nakatulong dahil nawala sa kanya ang bola.
Si Paolo Taha ang naglapat ng foul kay Tayongtong na binawi ang sablay sa unang buslo sa pagpasok sa ikalawang attempt.
Wala sa porma ang huling birada ni Jonathan Grey para bumagsak ang Blazers sa 0-2 karta.
- Latest