Tony Allen may bagong deal sa Grizzlies
MANILA, Philippines - Pinapirma ng Memphis Grizzlies si Tony Allen ng panibagong four-year contract na nagkakahalaga ng $20 million, ayon sa taong may kinalaman sa naging kasunduan.
Si Allen ay isa sa mga mahuhusay na perimeter defenders sa NBA at naging susi sa paghahabol ng Grizzlies sa Western Conference finals noong nakaraang season.
Webster mananatili sa Wizards
WASHINGTON – Nakipagkasundo si Martell Webster sa four-year deal para manatili sa Washington Wizards nitong Martes.
Ito ang ikalawang hakbang ng Wizard sa free agency negotiating period matapos makipagkasundo kay Eric Maynor na maging backup point guard.
Budinger, Martin nakuha ng Wolves
MINNEAPOLIS – Pumasok ang Minnesota Timberwolves sa unrestricted free agency na may dala-wang priorities – magdagdag ng shooting guard na may range at ibalik si Chase Budinger.
Matapos lamang ang ilang oras na pakikipagnegosasyon, nagawa ito ng bagong team president na si Flip Saunders.
Nakipagkasundo ang Timberwolves sa four-year, $30 million deal kay shooting guard Kevin Martin at three-year, $16 million kay Budinger, ayon sa mga source, na inaasahang magiging solusyon sa kanilang mahinang outside shooting.
Nakapaloob sa deal kay Budinger ang player option sa kanyang final season.
Mavs makukuha na si free agent Mekel
DALLAS – Nakatakdang idagdag ng Dallas si Israeli point guard Gal Mekel sa Mavericks.
Ayon sa agent ni Mekel na si Sam Porter, ang 6-foot-3 na si Mekel ay pumayag na lumaro sa Mavericks sa three-year deal na may guaranteed $2.3 million.
Idinagdag ng Mavericks si Mekel matapos makuha si Miami point guard Shane Larkin sa NBA draft noong nakaraang linggo.
West may contract extension sa Indiana Nakipagkasundo ang Indiana Pacers kay forward David West sa three-year, $36 million contract extension, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Ang ikatlong taon ng deal ay inaaasahang magi-ging player option.
Prayoridad ng team ang panatilihin sa kanilang kampo si West at ang kanyang kagustuhang manatili sa team ang nagpadali ng usapan. Wala siyang kinonsiderang ibang team.
Igoudala inalok ng $56M ng Kings
Hinahabol ng Sacramento Kings si Andre Iguodala sa pag-aalok ng four-year, $56 million, kaya sila nga-yon ang inaasahang makakakuha sa Denver Nuggets free-agent forward, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Iniwan kamakailan ni Kings general manager Pete D’Alessandro ang Nuggets front office para maging Sacramento top executive at ginagawa niya ang lahat para makuha si Iguodala na magiging haligi ng prangkisa.
May offer ang 29-gulang na si Iguodala, na five-year deal para bumalik sa Nuggets, ngunit mababa ito sa alok ng Kings, ayon sa source.
Mataas ang $14 million-a-year offer para kay Iguodala at posibleng hindi ito hahabulin ng Nuggets para manatili ito sa team.
$36M kay Splitter inaayos ng Spurs
Inaayos ng San Antonio Spurs ang four-year, $36 million-plus contract extension para kay Tiago Splitter, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Ang 28-gulang na si Splitter ay mahalagang bahagi ng paghahabol ng Spurs sa NBA Finals at maraming interesadong ibang teams sa kanya ngayon bilang res-tricted free agent. Hinahabol ng Portland si Splitter at nag-latag ng offer sheet na aabot sa halos $9 million ngunit inaayos ng mga kinatawan ni Splitter at ng San Antonio ang mga detalye ng agreement, ayon sa source.
Redick sa Clippers sa 3-team deal
PHOENIX -- Isang three-team trade ang magdadala kina J.J. Redick mula sa Milwaukee Bucks patungong Los Angeles Clippers at point guard Eric Bledsoe mula sa Clippers patungong Phoenix Suns.
Ang deal ay magdadala rin kay Jared Dudley mula sa Suns patungong Clippers at Caron Butler mula sa Clippers patungong Suns. Makakakuha naman ang Bucks ng dalawang second-round draft picks, ayon sa source ng Yahoo Sports.
Ayon sa balita, bibigyan si Redick ng four-year, $27 million sign-and-trade contract na bahagi ng palitan.
- Latest