Houston may sapat nang iaalok kay Howard matapos paluwagin ang salary cap
MANILA, Philippines - Ilang oras bago maki-pagpulong kay Dwight Howard, nakipagkasundo ang Houston Rockets para i-trade si Thomas Robinson sa Portland Trail Blazers para magkaroon ng kinakaila-ngang puwang sa salary cap bago alukin ang star free-agent center ng max contract, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Nakapag-alok na diumano ang Rockets ng four-year, $88 million contract sa meeting noong Linggo ng gabi sa Los Angeles.
Ang Rockets ang na-ngunguna sa pila ng mga gustong makuha si Howard at ang pagpapakawala kay Robinson ang nagbigay sa kanila ng sapat na espasyo para makuha ang No. 1 free agent ngayong taon.
Ibibigay ng Portland sa Rockets ang draft rights kay Kostas Papanikolau at Marko Todorovic bukod pa sa dalawang future second-round picks, ayon sa mga source.
Maaari lang magpirmahan ng lahat ng deal sa July 10 base sa moratorium ng NBA ukol sa free agency.
Ang trade ay nagbigay sa Rockets ng $7M mil-yong kaluwagan sa payroll ng Rockets,
Ini-waive din ng Houston ang dalawang veteran players na sina Carlos Delfino at Aaron Brooks noong Linggo para paluwagin din ang salary cap.
Dalawang beses na-trade si Robinson, ang fifth overall pick mula sa Kansas noong 2012, nitong nagdaang taon.
Inilipat siya ng Sacramento sa Houston noong February trade deadline. Matapos ang ilang buwang paninimbang ng offers, pumayag ang Rockets na i-trade ito sa Blazers.
- Latest