^

PM Sports

Iba’t ibang trades sa NBA draft

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang napakalaking NBA trade na nangyari ay walang kinalaman sa 2013 draft kung saan nakipagkasundo ang Boston Celtics na ibigay sina Kevin Garnett, Paul Pierce at Jason Terry sa Brooklyn Nets para sa isang deal na nakasentro sa  tatlong future first-round picks.

Ngunit hindi nangangahulugang walang nangya-ring maganda sa draft.

Nagsimula ang draft sa malaking surpresa nang ginawang top draft pick ng Cleveland Cavaliers si UNLV forward Anthony Bennett at sunud-sunod na ang naganap na trades.

Narito ang mga nangyaring trades.

• Ibinigay ng New Orleans Pelicans ang kanilang karapatan sa No. 6 overall pick na si Nerlens Noel at ang 2014 first-round pick sa Philadelphia 76ers kapalit ni point guard Jrue Holiday at sa rights kay Pierre Jackson (No. 42 pick).

• Ipinasa ng Minnesota Timberwolves ang rights kay No. 9 overall pick Trey Burke sa Utah Jazz para sa rights kina Shabazz Muhammad (No. 14) at Gorgui Deng (No. 21).

• Ibinigay ng Dallas Mavericks ang rights kay Kelly Olynyk (No. 13) sa Boston para sa rights kay Lucas Nogueira (No. 16) at dalawang future second-round picks.

• Ipinasa ng Mavericks si Jared Cunningham at ang rights kay Lucas Nogueira (No. 16) sa Atlanta Hawks para sa rights kina Shane Larkin (No. 18) at Mike Muscala (No. 44).

• Ibinigay ni Timberwolves si Malcolm Lee at ang rights kay Andre Roberson (No. 26) sa Golden State Warriors para sa 2014 second-round pick at cash.

• Ipinasa ng Warriors ang rights kay Andre Robertson (No. 26) sa Oklahoma City Thunder para sa rights kay Archie Goodwin (No. 29) at cash.

•Ibinigay ng Denver Nuggets ang rights kay Rudy Gobert (No. 27) sa Jazz para sa rights kay Erick Green (No. 46) at cash.

• Ibinigay ng Warriors si Malcom Lee at ang rights kay Archie Goodwin (No. 29) sa Phoenix Suns para sa rights kay Nemanja Nedovic (No. 30).

• Ibinigay ng Cleveland Cavaliers ang rights kay Allen Crabbe (No. 31) sa Portland Trail Blazers para sa dalawang future second-round picks.

• Ipinasa ng 76ers ang rights kay Glen Rice Jr. (No. 35) sa Washington Wizards para sa rights kina Nate Wolters (No. 38) at Arsalan Kazemi (No. 54).

• Ibinigay ng Milwaukee Bucks ang rights kay Ricky Ledo (No. 43) sa Mavericks.

• Ipinasa ng Hawks ang rights kay James Ennis (No. 50) sa  Miami Heat.

ARCHIE GOODWIN

CLEVELAND CAVALIERS

IBINIGAY

IPINASA

KAY

LUCAS NOGUEIRA

PARA

RIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with