Toys For Us hindi bumitaw
MANILA, Philippines - Hindi na binitiwan pa ng A Toy For Us ang liderato sa rekta para maisantabi ang malakas na pagdating ng I Survived at hiranging kampeon noong Miyerkules sa pista sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Si Ni Uy ang sumakay sa A Toy For Us na pumangalawa sa mga naunang yugto ng labanan sa 1,200-metro distansya para sa Philracom Racing Festival (NHG HR 2-3) bago humarurot sa huling 100-metro nang nakapuwesto sa maluwag na gitna ng pista.
Ang Be Open na hawak ni Mark Alvarez at nagdomina mula nang buksan ang aparato ay naubos at hindi tumimbang.
Nakaremate ang I Survived na hawak ni Christian Garganta at ang tambalan ang nagpasaya sa mga dehadista na nakiisa sa karerang ginawa sa Metro Manila Turf Club.
Ang A Toy For Us na naghatid ng P12,000.00 premyo sa winning connections ang lumabas bilang pinakadehadong kabayo para makapaghatid ng P82.00 habang ang 5-6 forecast ay naghatid ng P215.50 dibidendo.
Tama naman ang pagtitiwalang ibinigay sa kabayong Good In vestment nang mapa-ngatawanan ang pagiging pinakaliyamado sa siyam na karerang pinaglabanan.
Si Pat Dilema ang sakay ng nanalong kabayo na nag-init sa huling 250-metro sa 1,400-metro karera para sa NHG 3 Year Old Handicap Race 1A.
- Latest