Alanganin ang magiging NBA top draft pick
NEW YORK – Galing si Nerlens Noel sa major knee injury habang si Alex Len ay may suot pang walking boots.
Isa sa kanila ang inaasahang magiging No. 1 pick nitong Huwebes sa NBA draft na sa tingin ng marami ay walang masyadong magaling.
“This draft is really unpredictable, a lot of guys with injuries and you don’t have any, like, LeBron James,’’ sabi ni Len nitong Miyerkules. “So it’s going to be interesting.’’
Sampung taon matapos umakyat si James sa stage para simulan ang draft na itinuring na pinakamabigat na draft, ang Cleveland uli ang siyang unang pipili.
Walang makikita ang Cleveland na singgaling ni James kung gagamitin nila ang pick at kung sino man ang kanilang mapipili kina Noel at Len na mahigpit na magkaribal ay inaasahang mahihirapang umakyat ng stage.
Napunit ang ACL sa kaliwang tuhod ni Noel noong Feb. 12 na tumapos ng kanyang kaisa-isang season sa Kentucky. Ang 6-foot-11 freshman ay mahusay sa shot blocking at rebounding ngunit hindi pa niya naipapakita sa Cavaliers kung nag-improve na ang kanyang offensive game.
Ang tangi niyang naipakita nang bumisita siya sa Cleveland ay ang mag-shoot ng ilang free throws.
“I wanted to do more. Unfortunately I got hurt, but I mean I definitely felt right before I got injured I was really coming along as a player and just really coming into my own du-ring that part of the season,’’ ani Noel. “But like I said, unfortunately I got hurt, so I wasn’t able to show as much as I wanted to.’’
Bagama’t na-injury, kinonsidera pa ring No. 1 pick ang Ukranian 7’1 center na si Len na lumaro ng dalawang seasons sa Maryland. Nagsimula siyang magkaroon ng problema sa kaliwang paa noong Pebrero at natuklasan niya pagkatapos ng season na ito ay stress fracture.
Alam niyang kinokonsidera siyang masama sa top-10 picks bagama’t puro interview lang ang kanyang ginawa.
Wala na siyang saklay ngunit dalawang linggo pa siyang magsusuot ng walking boots.
Ang Orlando ang No. 2 pick, kasunod ang Washington, Charlotte at Phoenix.
Inaasahang matatawag din ng maaga ang mga pangalan nina McLemore, Victor Oladipo ng Indiana, Georgetown forward Otto Porter at national player of the year Trey Burke ng Michigan sa Barclays Center ni NBA Commissioner David Stern sa kanyang huling pangangasiwa ng draft.
- Latest