Bonggang UAAP opening ang inihanda ng Adamson
MANILA, Philippines - Isang bonggang palabas ang itatampok ng host school na Adamson University para sa pagbubukas ng UAAP season bukas sa MOA Arena sa Pasay City.
Base sa temang “Greatness Never Ends,†pangu-ngunahan nina dating Adamson stars Hector Calma at Kenneth Duremdes ang programa, isang tribute sa mga atleta at personalidad na nagbigay ng kontribusyon sa pamamayagpag ng UAAP sa mga nakaraang taon.
Ang tema ay naglalayon ding magbigay ng inspirasyon sa mga kasalukuyang atleta na magpursige sa larangan ng palakasan at kabuhayan.
Ang event ay katatampukan ng “Hunger Gamesâ€-pegged production number ng mga dancers mula sa Adamson at iba pang member-schools.
Itinatag ang UAAP noong 1938 at binubuo ng Adamson University, Ateneo de Manila University, De La Salle University, Far Eastern University, National University, University of the East, University of the Philippines at University of Santo Tomas.
Nagsimula ang Adamson University bilang Adamson School of Industrial Chemistry noong 1932 at tinanggap sa UAAP noong 1952 hanggang 1954 sa isang probationary status.
Muli itong nag-apply noong 1970 at naging active member hanggang maging host school noong 2005.
Bubuksan ng Soaring Falcons ang kanilang kampanya kontra sa UP Maroons sa Linggo.
- Latest