Palaban pa rin ang Ateneo Blue Eagles
MANILA, Philippines - Dapat asahan ng mga koponang kasali sa UAAP men’s basketball ang pagpapakita ng pride ng isang defending five-time champion ng liga mula sa Ateneo Blue Eagles.
Ito ang winika ng bagong head coach Bo Perasol na tanggap ang deklarasyon ng mga karibal na mentors na hindi na ang Blue Eagles ang team-to-beat sa 76th UAAP season na magsisimula bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“That’s based on facts. Ang una kasing tinitingnan ay ang line-up,†wika ni Perasol nang nakasama ni Ateneo team manager Paolo Trillo na humarap sa mga media kahapon sa Kamayan Edsa.
“Pero ang hindi nila nararamdaman na nararamdaman ko ay kung gaano palaban ang mga players ko,†dagdag ni Perasol na pinalitan si coach Norman Black.
Limang manlalaro sa pangunguna nina 7-footer Greg Slaughter, Nico Salva at Justin Chua ang wala na rin pero walong manlalaro na ginamit din ni Black noong nakaraang season ang babandera sa kampanya ng Ateneo ngayong taon.
“Kung mayroon kaming edge ito ‘yung sanay na manalo ang mga players namin. ‘Yun iyong attitude na kapag natalo ka, hindi nila sasabihin na okey lang sanay naman tayo matalo, kungdi magagalit sila at hahanap ng paraan para manalo sa susunod na laro,†paliwanag pa ni Perasol na may tatlong taon na kontrata sa Ateneo.
Ang kakamada tiyak sa Eagles ay si Kiefer Ra-vena at makikipagtulungan siya sa graduating pero beteranong-beterano sa liga na si Ryan Buenafe.
Ang iba pang aasahan na sanay na rin sa championship ay sina Juami Tiongson, Von Pessumal, JP Erram, Juan Nicolas Elorde, Gwyne Capacio at Frank Golla. Si Erram na may taas na 6’7†ay handa na ring bumalik matapos maalis sa koponan sa kasagsagan ng elimination round noong nakaraang season dahil sa ACL injury.
- Latest