Baste lusot sa Arellano
MANILA, Philippines - Gumawa ng career-high na 28 puntos si John Ortuoste habang sina Leo De Vera at Bradwyn Guinto ay naghatid din ng solidong numero upang silatin ng San Sebastian ang sinasabing title-contender na Arellano University, 78-76, sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
May 10-of-15 shooting ang 22-anyos at off-the-bench na si Ortuoste habang ang Fil-Am na si De Vera at Guinto ay mayroong 15 at 10 puntos. Si Guinto ay hu-mablot pa ng 14 rebounds at may 2 blocks at 1 steals sa 34 minutong paglalaro.
“We talked about the Pinatubo trio gone and I told them this is their opportunity to make a name for yourselves,†wika ni Topex Robinson sa magandang ipinakikita ng tatlong bagito sa koponan.
Ang Pinatubo trio ay binubuo nina Calvin Abueva, Ian Sangalang at Ronald Pascual na napagkampeon ang Stags noong 2009 season.
May 12 puntos sa hu-ling yugto si Ortuoste at ang kanyang ikatlong tres sa laro ang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa Baste, 63-61.
Bumanat pa si Ortuoste ng dalawang split sa 15-foot line para tiyakin ang panalo ng Stags sa 78-73 bentahe.
“Ang sabi lang ni coach Topex sa akin ay mag-focus at huwag mag-give-up,†wika ni Ortuoste na kasapi ng Staglets na nanalo ng titulo noong 2007 at 2008 bago lumipat sa FEU na kung saan nalagay lamang siya sa Team B.
“We still need to work harder. But the good thing about this team is that we don’t depend on one or two players. It’s still a collective effort,†dagdag ni Robinson na tinutukoy ang tig-10 puntos pa nina Jovit dela cruz at Jaymar Perez.
- Latest