^

PM Sports

Arellano, Perpetual makikilatisan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makikilatis ang kalidad ng Arellano University at Perpetual Help sa pagharap sa magkaibang katunggali sa 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang Chiefs na ikinokonsidera na palaban sa titulo matapos ang magandang ipinakita sa pre-season tournaments, ay sasagupa sa San Sebastian sa unang seniors game sa ganap na ika-4 ng hapon habang katunggali ng Altas ang beteranong Emilio Aguinaldo College dakong alas-6 ng hapon.

Ang Chiefs, Altas at Generals ay nagbabalak na isubi ang unang panalo habang ang Stags ay nais na bumangon sa 69-74 pagyuko sa Letran.

“Maganda na may confidence ka na kaya mong sumabay sa mga malalakas na team sa liga matapos ang karanasan sa pre-season. Pero iba ang NCAA at ang mahalaga ngayon ay ang ipakikita ng mga players bawat laro,” wika ni Chiefs coach Koy Banal.

Inaasahang mas humusay si James Forrester matapos makapaglaro sa PBA D-League habang tumibay pa ang opensa ng koponan sa pagpasok ni Keith Agovida na umiskor ng 82 puntos limang taon na ang nakalipas habang suot ang uniporme ng Jose Rizal sa juniors division.

Ipapakita naman ng tropa ni coach Aric del Rosario ang bangis ng paglalaro kahit wala na ang batikang shooter na si Jett Vidal sa pag-asinta ng magandang panalo sa Generals na pamumunuan ng masipag na 6’7” Cameroonian center na si Noube Happi.

Sina Nigerian players Femy Babayemi at Nosa Omorogbe ay makikipagsanib-puwersa kina Earl Scottie Thompson, Justine Alano at Chris Elopre para pasimulan ng maganda ang kampanya.

“Galing sa injury si Earl kaya hindi ko masabi kung 100 percent siya ngayon. Hindi madaling laro ito at kailangan  naming dumepensa nang husto dahil si Happi, atake nang atake iyan at may mga malalaki silang kayang tumira sa labas,” wika ni coach Del Rosario na sa unang taon sa Altas noong 2012 ay naihatid ang koponan sa Final Four.

Bukod kay Happi, aasa rin si Generals coach Gerry Esplana ng magandang laro mula sa mga beteranong tulad nina Jan Jamon, Igge King, John Monteclaro, Elyzar Paguia at Jose Morada.

Isa ring susi para makauna ang EAC ay ang ipakikitang laro ng 6’8” Cameroonian center na si Jean Jacques Hiole Manga na siyang kapalitan sa gitna ni Happi.

ALTAS

ANG CHIEFS

ARELLANO UNIVERSITY

CHRIS ELOPRE

DEL ROSARIO

EARL SCOTTIE THOMPSON

ELYZAR PAGUIA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HAPPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with