^

PM Sports

Zamar prayoridad pa rin ang UE kahit kinuhang assistant sa Ginebra

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi makakaapekto ang pagkakapili ni UE coach David “Boysie” Za­mar bilang assistant coach ng Barangay Ginebra sa gagawing kampan­ya ng Red Warriors sa 76th UAAP men’s basket­­ball na magbubukas na sa Sabado sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

“I just want to make an official announcement that UE Warriors is ready for the UAAP. I am also reassuring the management that I am 200 percent committed to UE. I want to settle the issue,” wi­ka ni Zamar sa isinagawang thanksgiving party ng UE sa mga mamama­hayag matapos ang pag­ka­panalo sa Filoil pre- sea­son league kahapon sa Manila Yacht Club sa Ro­­xas Boulevard.

Kinumpirma ni Zamar ang offer na ibinigay pa­­­ra mapasama sa Gin Kings ngunit sinabi din ng ­mentor na malinaw din ang naging usapan  na ang priority niya sa ngayon ay ang Red Warriors na nais bumangon mula sa pang-pitong puwestong pag­­tatapos sa nagdaang UAAP ­season.

“Wala rin akong naki­kitang conflict sa nangya­ri. Si (UST) coach Pido Jarencio na assistant din ng Pet­ron, si (FEU) coach Nash Racela sa Talk N’ Text.  Sinabihan din ako na ang priority ko ngayon ay ang UE at pupunta-pun­ta lang ako sa mga prac­tices kung maluwag ang iskedyul,” paliwanag pa ni Zamar.

Apat na titulo ang napanalunan ng UE matapos ang 75th UAAP season at winakasan ito sa tagum­pay sa Father Martin at ang Filoil pre-season tournaments.

Ang magandang ipinakita ay dagdag kumpiyansa sa mga manlalaro at kay Zamar na magiging maganda ang gagawing la­ban ng koponan.

“Open race ngayon at lahat ng teams, kasama kami, ay palaban sa Final Four.  We were seventh place last year so what do you expect from the pla­yers than to try to go up. Magiging ipokrito rin ako kung sasabihin ko na hindi ko inaasam na ma­kapasok sa Final Four. Ka­pag umabot na kami do­on, ang sunod na target na­­min ay Finals,” wika pa ni Zamar.

Noong nakaraang season bumalik si Zamar sa UE na huli niyang pinagsilbihan  noong 2001 hanggang 2003.

Sa unang upo niya bilang head coach, nakapasok ang Warriors sa Final Four noong 2002 at 2003.

Naniniwala si Zamar na taglay ng koponan ang manlalarong makakaduplika sa naabot niya isang dekada na ang nakalipas.

“Noon, meron kaming James Yap, Ronald Tubid, Niñ­o Canaleta, Paolo Hubalde at Rob Labagala. Pe­­ro wala kaming sentro ka­ya donut team kami. Nga­yon meron kaming Charles Mammie,” pag­ma­malaki ni Zamar.

May taas na 6-foot-7 si Mammie at makakatulong niya sa 76th season sina Roi Sumang, Jay-Ar Sumido, Lord Casajeros at dating national youth player rookie Mario Bonleon.

Sa opening day ay ma­kakalaban ng UE ang FEU sa ganap na alas-2 ng hapon.

 

BARANGAY GINEBRA

CHARLES MAMMIE

FATHER MARTIN

FILOIL

FINAL FOUR

GIN KINGS

RED WARRIORS

SHY

ZAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with