Hindi puwedeng palagpasin ni Cuello ang pagkakataon
MANILA, Philippines - Ito ang pagkakataong hindi na mapapalampas ni Denver Cuello.
Nakatakdang hamunin ng Filipino challenger si Xiong Zhao Zhong ng China para sa bitbit nitong World Boxing Council minimumweight belt sa Hunyo 28 sa World Trade Centre sa Dubai, UAE.
Sinabi ng 26-anyos na si Cuello na tatlong taon siyang naghintay para sa pagkakataong mapalaban sa world boxing crown.
“I have been waiting a long time for a shot at the world title - around three years - and I feel now is my time,†wika ni Cuello sa panayam ng Sport360 sa Dubai.
Lalaban sana si Cuello para sa bakanteng WBC crown, ngunit napilitang magbigay kay Zhong na tinalo si Javier Martinez Resendiz ng Mexico.
Nanggaling si Cuello (33-4-6, 21 knockouts) sa isang majority decision win kontra kay Takashi Kunishige ng Japan noong Abril 7 para mapa-natili ang kanyang mandatory challenger status.
Sinabi ng tubong Cabatuan, Iloilo na hindi madaling kalaban ang 30-an-yos na Chinese champion.
“Zhong is a great boxer, a world champion, and he will be a hard opponent. It promises to be a great fight for everyone watching,†ani Cuello. “But I’m confident I will be the next champion.â€
Naniniwala naman si Zhong (20-4-1, 11 KOs) na maibabalik niya ang WBC crown sa China.
“I’ve trained really hard for this because Denver is a very good fighter but I am the champion and I will be the winner,†sabi ni Zhong sa kanyang paghahanda kay Cuello.
Gusto ni Cuello na duplikahin ang pagiging bagong International Boxing Organization super flyweight champion ni Edrin Dapudong noong nakaraang linggo.
- Latest