Bilang back-to-back champions: Heat kasama na sa NBA history
MIAMI -- Naglakad si Dwyane Wade sa hallway paÂpunta sa Miami Heat locker room suot ang kanilang uniporme at ipinagyayabang ang kanyang bagong championship hat habang nagdiriwang ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
Huminto siya sandali at tiningnan ang selebrasyon.
“We’re getting pretty good at these,†sabi ni Wade.
Apat na pagpasok sa NBA Finals sapul noong 2006, tatlong NBA championships kasama ang dalawang sunod na season.
Sa paggupo sa San Antonio sa Game 7 ng kanilang NBA Finals, nahirang ang Heat bilang ikaanim na prangkisa sa league history na nanalo ng dalawang suÂÂnod na korona.
Ito ang kanilang pangatlong NBA title sa kabuuan.
At para kay LeBron James, nasemento niya ang kanÂyang pangalan matapos ang dalawang sunod na reÂgular-season MVPs, dalawang korona, dalawang Finals MVPs at isang Olympic gold medal.
“It feels great. This team is amazing. And the vision that I had when I decided to come here is all coÂming true,†sabi ni James.
“Through adversity, through everything we’ve been through, we’ve been able to persevere and to win back to back championships. It’s an unbelievable feeÂling. I’m happy to be part of such a first-class organiÂzaÂtion,†dagdag pa nito.
Ayon kay James, ang pagsikwat sa kanyang unang NBA championship ang pinakamahirap na ginawa niÂya.
Ang pagdedepensa sa korona ang pangalawang piÂnakamahirap para kay James.
“Believe in LeBron,†sabi ni Heat president at daÂting head coach Pat RiÂley.
Naniwala naman ang Miami hanggang sa huli.
Winalis ng Heat ang Milwaukee sa first round, siÂnibak ang Chicago sa limang laro sa second round, at duÂmaan sa isang seven-game limit kontra sa Indiana sa Eastern Conference finals.
At sa Game 6 kung saan halos naagaw na ng Spurs ang korona nang magtayo ng isang five-point lead sa huÂling 25 segundo sa fourth period.
Sa likod nina James at Ray Allen, naitulak ng Heat ang laro sa overtime patungo sa kanilang panalo para itakda ang Game 7.
Sa Game 7, umiskor si James ng 37 points para sa paÂnalo ng Miami.
“To be in the championship three years in a row, to win two of those three, is unbelievable,†sabi ni Wade.
“Everybody can’t get to the Finals and win six in a row, like win six and not lose one like Michael Jordan. Everyone don’t do that. But we are excited about the future of this organization. We are still a good team. And we’re going to do everything we can to make sure that we can stay competitive,†dagdag pa ni Wade, nakamit ang kanyang ikatlong NBA title.
- Latest