May ibubuga ang Pinas sa larong rugby
MANILA, Philippines - Handa na ang Philippine Volcanoes na ipakita kung gaano na kalakas ang bansa sa larong rugby seven.
Tutulak sa Hunyo 23 ang 12-manlalaro na hahawakan ni dating US rugby coach Al Caravelli para sumali sa unang pagkakataon sa Rugby World Cup Seven sa Moscow, Russia.
Ang kompetisyon ay itinakda mula Hunyo 28 hanggang 30 at bukod sa prestihiyosong World Cup title, ang iba pang division titles na pag-aagawan ay ang Plate at Bowl. Nakasali ang Pilipinas sa nasabing torneo nang talunin ang South Korea sa qualifying noong nakaraang taon.
Halos isang buwan nang nagsasanay ang koponan kaya’t tiniyak ni Caravelli na kondisyon ang mga ito at handang makipagsabayan para ipakita ang ga-ling at sikaping mapanalunan ang World Cup kungdi man ang maging number one sa hanay ng mga Asian teams na kasali.
Bukod sa Pilipinas, ang Japan at Hong Kong ang dalawa pang Asian countries na pumasok sa torneo.
“One of our goal is to be one of the top finisher in Asia. We’re not promising we will win the World Cup. But one thing I will promise the Filipino people, that you will be very proud of the performance these players will put on in Moscow,†wika ni Caravelli sa isinagawang pulong pambalitaan kahapon sa The Pergola sa Gil Puyat Ave. sa Pasay City.
May 24 bansa ang kasali at hinati sa anim na grupo para sumailalim sa eliminasyon. Ang mangungunang anim na bansa ay sasamahan ng dalawang mangungunang second placers base sa points differential upang umabante sa World Cup proper.
- Latest