Gabuco, Petecio parehong lumusot sa 1st round
Guiyang, China – Nagtala ng panalo si reigning world champion Josie Gabuco mula sa kanyang unanimous win laban kay Russian Zoia Isaeva sa China Open sa Guizhou Gymnasium.
Dahil sinusunod ng torneo ang Olympic weight categories para sa women boxers, tumaas si Gabuco ng 3 kilos upang makabilang sa flyweight division matapos niyang kunin ang gintong medalya sa light flyweight class sa world championships.
Sunod niyang makaka-tapat si Ren Cancan ng China, silver medalist noong 2008 London Olympics at 3-time world champion.
Umiskor rin ng panalo si Nesthy Petecio via unanimous decision kontra kay Suvd Erdene Ouyngerel ng Mongolia para makaharap si Liu Chang ng China.
Sa men’s division, natalo si Roldan Boncales Jr. kay Chang Yong ng China mula sa isang unanimous decision.
Bigo rin ang 2011 SEA Games gold medalist na si Dennis Galvan makaraang yumuko kay Chinese bet Fu Kaisheng via unanimous decision.
Samantala, makakasagupa ni London Olympian Mark Anthony Barriga si Naveen Kumar ng India, habang lalabanan ni Nico Magliquian si Ajay Kumar at makakasaba-yan ni Junel Cantancio si Mauritian Colin John.
- Latest