Wade iwas na sa kakareklamo sa ref
SAN ANTONIO -- Iniwasan na ni Dwyane Wade na magreklamo sa mga referees ukol sa foul na hindi niya nakuha.
Ginagawa niya ito sa tatlong dahilan.
Nalaman ng Miami Heat guard ang isa niyang pagkakamali nang makita ang isa niyang anak na nagrereklamo sa referee sa isang youth-league game.
Dahil dito, sinisi ni Wade ang kanyang sarili.
“I’m a role model for Zaire Wade and Zion Wade and Dahveon Morris,’’ sabi ni Wade sa kanyang pinapalaking dalawang anak at isang pamangkin. “So I go to their games and I hate, to see them talking back to the ref. I hate it. It burns me up inside every time. I’m like, ‘Get back on defense.’ And then I look in the mirror and say, ‘Well, how can you tell him not to do something when you’re doing it?’ I look at that and I think that helped me understand.’’
- Latest