Gilas binawian ng Jazz-Diremta
MANILA, Philippines - Kinapos sa dulo ang Gilas Pilipinas at sumuko sa Birstono Jazz-Diremta, 79-86, sa pagtatapos ng kanilang Lithuanian training camp bitbit ang 5-2 win-loss record sa Svyturio Arena sa Klaipeda, Lithuania noong Sabado ng gabi.
Ibinandera ang kanilang import sa rematch, inungusan ng home team ang mga Filipino sa second half para maipaghiganti ang kanilang 63-74 kabiguan sa kanilang unang paghaharap.
Kinuha ng Phl training pool ang 36-30 abante, ngunit kumulapso sa final half na naging dahilan ng kanilang pagkatalo.
Hindi nakalaro para sa Gilas si playmaker/scorer Jayson Castro dahil sa ankle injury nito, habang umalis naman sa Lithua-nia si defender/utility guy Gabe Norwood dahil sa kanyang kasal.
Naging bentahe ng Jazz-Diremta, ang 14th placer sa nakaraang Li-thuanian tourney, ang rebounding kung saan nila tinalo ang Gilas, 43-33.
“Weren’t ready to play today,†sabi ni assistant coach Josh Reyes sa kanyang Twitter account.
Naging determinado ang Lithuanians na resbakan ang Nationals.
“Final game today. Originally not part of the sched but this team, Jazz-Diremta, requested a rematch when we won our game vs them,†dagdag pa ni Reyes bago ang nasabing laro.
Umiskor si Gary David ng 25 points at nagdagdag ng tig-13 markers sina naturalized player Marcus Douthit at LA Tenorio para sa Gilas na inaasahang babalik sa Maynila bukas.
Sa unang linggo ng Hulyo ay magtutungo naman ang Gilas sa isang training camp sa Las Vegas, Nevada.
Samantala, pinangalanan ni Lebanon coach Ghassan Sarkis ang kanyang 18-man training pool na kinatatampukan ni 7-foot-2 naturalization candidate Loren Woods.
Sinabi ni Sarkis na magbibitiw siya kapag hindi naging naturalized player si Woods, isang six-year NBA veteran na naglaro para sa Minnesota, Miami at Toronto.
“We are already late in practice, and yet we haven’t solved any of the issues. I have asked the federation for almost five months to start the process of naturalizing Woods and nothing has happened yet,†ani Sarkis sa Lebanese media.
Bukod kay Woods, ang iba pang nasa training pool ng Lebanon ay sina Ali Mahmoud, Rodrigue Akl, Mohammad Ibrahim, Amir Saoud, Fadi al-Khatib, Hussein al-Khatib, Elie Rustom, Elie Stephan, Nadim Souaid, Mazen Mneimneh, Jean Abdel-Nour, Bassel Bawji, Ali Haidar, Philip Tabet, Ali Kanaan, Roy Samaha at Bashir Ammoury.
- Latest