Pacquiao lalaban sa ‘Thrilla in Manila II’
MANILA, Philippines - Kung magkakaroon pa ng ‘Thrilla in ManiÂla II’ ay gusto ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na tampukan ito ni Manny Pacquiao.
At sa tulong ng apat na ipinapagawang casino sa Manila Bay waterfront ay maaaring mangyari ito.
“You gotta understand, they filled in part of the waterfront around MaÂnila Bay and they’re builÂding four unbelievabÂly luxurious casinos,†saÂbi ni Arum sa panayam ng Radio Rahim. “Those casinos should be up and running in the next year.â€
Para sa pagbubukas ng naturang mga casino, siÂnabi ni Arum na kailaÂngan itong maging bongga at pag-uusapan sa buong mundo.
Ang MOA Arena sa PaÂsay City, ang pinakaÂmaÂlaking indoor stadium sa Pilipinas, ang pinakamaÂlapit na venue sa naturang mga casino.
“They gonna want to put an event in The Arena that’s very, very close by. They’re gonna use the ManÂny Pacquiao fight to bring players around Asia,†wika ng 81-anyos na promoter.
Noong 1975 ay idinaÂos ang ‘Thrilla in Manila’ nina boxing greats Muhammad Ali at Smokin’ Joe Frazier sa Araneta CoÂliseum.
Ang ‘Thrilla in Manila I’ ay ang ikatlo at huling pagkikita nina Ali at Frazier para sa WBC at WBA heavyweight titles.
Tinalo ni Ali si Frazier.
- Latest