Sino ang susunod sa Divine Eagle sa Triple Crown?
MANILA, Philippines - Sino ang papalit sa Divine Eagle bilang kampeon sa second leg ng 2013 Philracom Triple Crown Championship?
Masasagot ang tanong na ito matapos gawin ang tampok na karera sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayong hapon.
Ang Divine Eagle na nagkampeon sa first leg ay hindi na idineklara matapos magkaroon ng injury na nakuha sa panalo sa nasabing karera noong Mayo 18 sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Full-gate ang karera ngunit 12 ang opsiyal na bilang dahil sa dalawang coupled entries na kasali. Siyam rito ay mga kaba-yong tumakbo sa first leg na ginawa sa 1,600-metrong distansya.
Ang Hot And Spicy ang mangunguna sa mga magbabalik na kabayo at balak ng handlers ng kabayo na higitan ang pangalawang puwes-tong pagtatapos sa karerang inilagay ngayon sa 1,800-metrong karera.
Ang Haring Benedict, Be Humble, Captain Ball at coupled entry na Borj Kahlifa, Boss Jaden, Grand Strikes Girl, Spinning Ridge at El Libertador ay mga magbabalik din.
Isa sa mga sisipatin nang husto ay ang El Li-bertador na napaboran sa first leg pero hindi tumimbang sa karera.
Handa namang makapanggulat ang mga baguhan sa pangunguna ng Big Leb na kampeon sa 1st leg ng Hopeful Stakes race.
Ang Don Albertini at coupled entry na Naga, Sky Dragon at Tarzan ang iba pang bagong salta sa premyadong karera para sa mga kabayong edad tatlong taong gulang na magbabalak na kunin ang kampeonato at ang P1.8 milyong premyo mula sa P3 milyon na inilaan ng Philippine Racing Commission.
Tatanggap ng P675,000.00 ang papangalawa bago sundan ng P375,000.00 at P150,000.00 ang papa-ngatlo at papang-apat sa datingan.
Bago ito ay mauunang magpasikatan ang mga deklaradong kabayo sa Hopeful Stakes race at ang mananalo ay hindi lamang mag-uuwi ng P600,000.00 premyo kungdi mapapasama pa sa 3rd at huling leg ng Triple Crown sa Hulyo 13 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa mas mapanghamong 2,000-metro distansya.
Tatakbo rito ang mga kabayong Adamas, Balbonic, Big Boy Vito, Daragang Magayon, Five Star, Golden Sphinx, Jazz Connection, Mrs. Teapot, My Champ, Santino’s Best, Sharpshooter at coupled entries na Rabble Rouser at Stand In Awe.
May P225,000.00 ang papangalawa habang P125,000.00 at P50,000.00 ang mapupunta sa dalawang kabayo na kukumpleto sa datingan.
- Latest