^

PM Sports

Tataas ang level ng competition sa PBA D-League - Isaac

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaan ni PBA D-League champion coach Leo Isaac na tataas na ang lebel ng kompetisyon sa liga matapos putulin ng Elite ang dominasyon ng NLEX Road Warriors sa PBA D-League Foundation Cup.

Sa pagdalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon kasama ang mga kamador na sina Allan Mangahas, Justin Chua at Rob Celiz, tinuran ni Isaac ang magandang programa na ginawa ng koponang pag-aari ni Dioceldo at Silliman Sy mula nang pumasok sa liga ang tunay na susi sa pagsungkit ng kauna-unahang kam-peonato sa unang pagtapak sa finals sa liga.

“Naipakita namin na kung magkakaroon lamang ang mga teams ng sound basketball program ay kaya nilang talunin ang malalakas na koponan tulad ng NLEX. So I real-ly expect na tataas ang level ng competition sa D-League starting next conference dahil lahat ng kasali ay gagawa na ng kani-kanilang programa,” wika ni Isaac.

Ginulat ng Elite ang mga miron ng liga nang walisin ang 4-conference champion na Road Warriors sa kanilang best-of-three finals.

“Wala naman tala-gang sekreto. The players matured individually and the team also matured. They loved each other’s company and we just had fun in our practices and in our games. We just translated all these positives to win this title, dagdag ng beteranong coach.

Matapos makuha ang unang titulo,  walang ibang pakay ang koponan kungdi ang masundan ito at ngayon pa lamang ay gumagawa na ang ma-nagement ng plano para manatiling maganda ang kondisyon ng mga manlalaro lalo pa’t ang liga sa Nobyembre pa babalik  pagkatapos ng UAAP at NCAA seasons.

 

ALLAN MANGAHAS

D-LEAGUE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JUSTIN CHUA

LEO ISAAC

PADRE FAURA

ROAD WARRIORS

ROB CELIZ

SILLIMAN SY

SO I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with