Gilas papasok sa FIBA-Asia semis, ayon sa mga expert
MANILA, Philippines - Isang foreign basketball expert ang nagsabing makakapasok ang Gilas Pilipinas sa semifinals ng 27th FIBA-Asia Cham-pionships na nakatakda sa Agosto 1-11 kasama ang Iran, China at Lebanon.
Ngunit hindi tiniyak ng nasabing eksperto kung makukuha ng home team ang isa sa tatlong tiket na nakataya patungo sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Ang Gilas ay nasa Group A at kasama ang Jordan, Chinese-Taipei at Saudi Arabia at kung papasok sila sa second round ng eliminations ay makakatapat nila ang Japan, Qatar at Lebanon bago ang knockout quarterfinals.
Ang China at Iran ay nasa Group C kasama ang Korea at isang Southeast Asian team.
Para makapasok ang Gilas sa semifinals ay kailan silang tumapos sa top four ng Groups A at B at malampasan ang knockout quarterfinals.
Kung makukuha ng Gilas ang No. 1 o No. 2 mula sa Groups A at B, maaari nilang makaharap ang Korea, Kazakhstan o India papasok sa semifinals.
Sakaling mahulog sila sa No. 3 o No. 4 ay makakalaban nila ang anuman sa China o Iran sa knockout quarterfinals.
Naniniwala naman ang naturang expert, ayaw ipabanggit ang kanyang pangalan, na mabibigo ang China na makamit ang titulo ng torneo.
“They’ve got a new coach Panagiotis Giannakis and it’s still not certain if the players will adjust quickly to his system,†sabi nito. “China didn’t win a single game at the London Olympics.â€
Hindi ipinadala ng China ang kanilang A-team sa East Asia qualifiers sa Incheon noong Mayo at natalo sa South Korea sa finals, 79-68.
Sinasabing hindi na gutom ang mga NBA vete-rans ng China na sina 7-1 Wang Zhizhi, 7-foot Yi Jianlian at 6-9 Sun Yue na maglaro sa mga international tournaments.
Si Giannakis ang gumiya sa China sa 1-1 Perth series kontra sa Australian national team noong nakaraang linggo.
- Latest