LeBron kailangang mag-ala-‘Man of Steel’
SAN ANTONIO – Sa Game 4 ng NBA Finals malalaman ang katatagan ng Miami Heat kum-para sa kanilang 66-win regular season record.
Ang mga kuwestiyon kay LeBron James at sa Heat ay nasagot na dapat ngayon.
Hindi siya maaaring basta-basta na lamang balewalain at ma-ging ng kanyang mga kakampi.
Ngunit hindi nakita ang husay ng sinasabing powerhouse team sa Game 3 nang ipatikim sa kanila ng San Antonio Spurs ang ikatlong pinakamasaklap na pagkatalo sa finals history na 77-113 kabiguan.
Ang isa pang kabiguan sa Game 4 ang posibleng tumapos sa kanilang hangarin na mapanatiling suot ang NBA crown.
“Something has to give tomorrow night,’’ sabi ni James. “They have a championship pedigree. They have four (titles). We have two. So something has to give. We’ll see what happens. We’ve been able to bounce back throughout adverse times throughout the season throughout the years that we’ve been together, these three years. We’ll see.’’
Sa kanyang likod ay isinabit ni James ang kanyang practice jersey na tila isang super hero.
“As dark as it was last night, can’t get no darker than that, especially for me,’’ ani James. “So, I guarantee I’ll be better tomorrow for sure.’’
Ito nga ang kailangang gawin ni James matapos ang kanyang 7-for-21 na walang free throws na hindi magandang performance para sa isang MVP.
Ngunit kaya siya pumunta sa Miami ay para hindi niya gawin lahat dahil may Dwyane Wade at Chris Bosh na katulong niya.
- Latest