Pacquiao ‘di na dapat lumalaban -- Richardson
MANILA, Philippines - Hinirang na siyang taÂnging Asian boxer na nagÂkampeon sa walong magÂkakaibang weight diÂvisions at nagawaran na ng ilang karangalan ng iba’t ibang boxing assoÂciaÂtions.
Ngunit hanggang ngaÂyon ay lumalaban pa rin si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.
Sinabi ni boxing traiÂner Naazim Richardson na walang dapat pang patunayan ang 34-anyos na Sarangani Congressman sa ibabaw ng boxing ring.
“My thing is, Pacquiao’s coming back to do what? Is he gonna do something he hasn’t done already?†wika ni RiÂchardson sa BoxingScene.com. “What, is he gonna come back and win another championship?â€
Si Richardson ang chief trainer nina Bernard HopÂkins at ‘Sugar’ Shane Mosley.
Si Mosley ay tinalo na ni Pacquiao.
“Listen. These guys have done everything. I used to tell Bernard (Hopkins) – leave this sport before you’ve done everything, because you’ve done everything in this sport except lose badly,†dagdag ni Richardson.
Nakatakdang labanan ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa isang non-title welterweight fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, ChiÂna.
“Both of those guys have had rough goings, and we don’t know what’s left. I’ve known Brandon since he was in the amateurs… and he fights like somebody knocked his drink off the table and said they weren’t paying for it,†ani Richardson.
Ito ang unang laban ni Pacquiao ngaÂyong taon matapos maÂtalo ng dalawang beses noong 2012.
Natalo si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. noong Hunyo 9 kasuÂnod ang kanyang pagtumÂba kay Juan Manuel MarÂquez sa sixth round sa kaÂnilang ikaapat na pagÂhaÂharap noong Disyembre 8.
“Brandon just fights. No jabs allowed. He’s a rough customer,†ani RiÂchardson. “Pacquiao is special, but Pacquiao just went through a real trauÂmatiÂzing loss.â€
- Latest