^

PM Sports

Blaylock, nakalabas na ng ospital, diretso sa kulungan

Pang-masa

JONESBORO, Ga. – Nakalabas na si NBA All-Star Daron ‘Mookie’ Blaylock ng ospital at nasa kulungan na matapos sampahan ng vehicular homicide sanhi ng banggaan sa Atlanta.

Sinampahan din si Blaylock ng ‘driving on a suspended license,’ ‘improper lane change’ at pagtawid sa center line ng kalsada na siyang sanhi sa pagbangga nito sa van kung saan namatay ang lulan na 43-taong gulang na babae sa Jonesboro noong May 31.

Kusang sumuko si Blaylock noong Lunes at nakakulong ng walang piyansa.

Sinabi ng abogado ni Blaylock na ang dating NBA player ay nag-blacked out bago bumangga.

Ayon sa mga awtoridad, si Blaylock ay wanted din sa ibang lugar matapos hindi sumipot sa  korte para sa kasong DUI (driving under influence).

Ang 46-gulang na si Blaylock ay first-round draft pick ng New Jersey Nets mula sa Oklahoma noong 1989.

Lumaro siya sa Atlanta Hawks, Golden State Warriors at noong 1994 NBA All-Star game.

vuukle comment

ALL-STAR DARON

ATLANTA HAWKS

AYON

BLAYLOCK

GOLDEN STATE WARRIORS

JONESBORO

KUSANG

LUMARO

NEW JERSEY NETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with