^

PM Sports

Women’s volleyball selection paghahandaan ang SEA Zonal qualifying

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisikapin ng women’s volleyball team na bigyan ng karangalan ang Pilipinas kahit kulang sila sa panahon para makapaghanda sa South East Asian Zonal Qualification Tournament sa Vietnam mula Hunyo 14 hanggang 16.

“Rest assured that we will go there not just to play but to win games,” pahayag ni National coach Roger Gorayeb nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Pitong araw lamang ang ibinigay na panahon para sa koponan na makapaghanda para sa kompetisyon na magdedetermina ng kinatawan ng rehiyon sa Asian Zo-nals sa susunod na taon.

Nangyari ito dahil binuwag ang naunang koponan na inihahanda para sa nasabing torneo sa Vietnam nang matalo sa Philippine Air Force sa women’s volleyball finals sa Philippine National Games (PNG).

“Ayokong magsalita ng tapos, pero kailangan talaga ng konting pa-sensya sa team dahil on short notice lang kami sinabihan. We’ll just try to do our best despite the seven-day preparation,” dagdag ni Gorayeb.

vuukle comment

ASIAN ZO

AYOKONG

GORAYEB

HUNYO

NANGYARI

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

PILIPINAS

ROGER GORAYEB

SOUTH EAST ASIAN ZONAL QUALIFICATION TOURNAMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with